Biyuda ni Gov. Roel Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo at iba pang alkalde sa Negros Oriental, humarap sa mga opisyal ng DOJ, PNP, at DILG

Nagtungo sa DOJ ang biyuda ni Negros Oriental Governor Roel Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo at ang iba pang alkalde sa lalawigan.

Humarap ang mga mayor kina Justice Secretary Crispin Remulla, Interior Secretary Benhur Abalos, at sa PNP.

Courtesy: DOJ

Ayon sa abogado ng pamilya Degamo na si Levito Baligod, tinalakay sa pagpupulong ang itinatakbo ng case build-up at ang kalagayan ng mga testigo sa pagpatay sa gobernador.

Kasama aniya ang ibang alkalde sa pulong dahil inilahad nila ang mga impormasyon na mayroon sila.

Nakatuon aniya ang paguusap ukol sa pagpaslang kay Degamo na tinagurian nitong Negros Oriental massacre.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam sa media si Mayor Degamo pagkatapos ng pulong.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *