BJMP officer, ipinagharap ng NBI ng reklamong rape sa piskalya sa Pasay

Sinampahan ng reklamong rape ng NBI sa Pasay City Prosecutor’s Office ang isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology.

Kinilala ang suspek na si BJMP Senior Inspector Ramon Carolino.

Dumulog sa NBI ang biktima na 26-anyos na babae para ireklamo ang sinasabing paggahasa sa kanya ng suspek na kanyang landlord.

Ayon sa biktima, nangyari panggagahasa noong Enero 16 ng bandang ala-5:30 ng umaga matapos ang inuman sa kanilang boarding house sa Pasay.

Anya pinagbantaan at tinakot siya ni Carolino bago ang insidente.

Batay sa medico-genitalia examination ng NBI sa biktima, nakita na mayroong laceration o sugat sa genitalia nito.

Dahil dito, nagsagawa ng hot pursuit operation ang NBI kasama ang complainant sa Leveriza, Pasay kung saan nadatnan at inaresto ang suspek.

Narekober din sa lugar ang boxer shorts at bed sheet ng suspek at ang kumot, punda, at bed sheet ng biktima na isinailalim sa chemical analysis ng NBI.

Isinalang sa inquest proceedings sa piskalya si Carolino kung saan ito inireklamo ng rape.

Moira Encina

Please follow and like us: