BLACKPINK singer na si Lisa makakabilang na sa cast ng ‘White Lotus’

Thai singer Lisa from K-pop group BLACKPINK is joining the cast of HBO's 'The White Lotus' / ANGELA WEISS / AFP/File

Kinumpirma ng HBO na makakasama na sa cast ng “The White Lotus” ang singer na si Lisa ng megastar K-pop girl group na BLACKPINK, sa sandaling lumipat sa Thailand ang third season ng sikat na TV series.

Ang shooting para sa latest round ng award-winning dark comedy, ay nakatakdang simulan ngayong Pebrero sa Bangkok at maging sa holiday islands ng Phuket at Ko Samui.

Ayon sa streaming service ng HBO na Max, si Lisa, na ang buong pangalan ay Lalisa Manobal, ay itatampok sa palabas kasama ng beteranong Hollywood star na si Scott Glenn.

The 26-year-old is perhaps Thailand’s best-known celebrity, with legions of adoring fans and her image plastered on adverts across the kingdom.

Ang 26-anyos marahil ang pinakakilalang celebrity ng Thailand, na may napakaraming mga tagahanga at makikita ang kaniyang mukha sa mga ad sa buong bansa.

Ang “The White Lotus” ay naging isang commercial at critical hit para sa HBO, kung saan umani ng maraming Emmy nominations ang mga naunang season nito.

Ang ikalawang season, na naka-set sa Sicily, ay naiulat na naging dahilan upang dumami ang naghahanap sa southern Italian island para maging destinasyon ng kanilang pagbiyahe, isang bagay na inaasahan ng mga pinuno ng turismo ng Thailand na mangyayari rin sa kanila.

Ngunit ang palabas ay dumanas ng isang dagok sa unang bahagi ng buwan na ito, nang mapilitan ang mga producer na tanggalin ang Serbian actor na si Milos Bikovic matapos magreklamo ang Ukraine tungkol sa kanyang relasyon sa Russia.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *