BOC Commissioner Nicanor Faeldon, nabisita na ng medical team ng Kamara

Nabisita na ng medical team ng Kamara si BOC Commissioner Nicanor Faeldon.

Kasama sa nagpunta sa Manila East Medical Center sa Taytay Rizal si House Sgt at Arms Ronald Detabali at tatlong doktor mula sa Medical Dept. ng Kamara.

Ayon kay Detabali, nakausap nila ang attending physician ni Faeldon at nakakuha sila ng medical records nito.

Nakausap din nila ng personal si Faeldon na wala sa ICU kundi sa isang regular room at naka dextrose pero in high spirits ito.

Madi-discharge na si Faeldon sa ospital pero pinayuhan ng doktor na magpahinga pa ng 3 araw bago bumalik sa trabaho at humarap sa hearing sa susunod na linggo.

Si Faeldon ay inisyal na nagpa-dental check up noong Lunes pero nakaranas ito ng chestpain kaya isinugod na main hospital.

Tumaas din ang BP ng Commissioner noon at kinakitaan ng mga sintomas na kung hindi naagapan ay pwedeng humantong sa heart attack.

Sinabi ni Detabali na handa si Faeldon na humarap sa susunod na hearing sa Kamara.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *