Bolang gagamitin para sa World Cup championship match, ipinakita na ng FIBA

Screen grab from FIBA Media YouTube

Opisyal nang ipinakita ng Molten ang bolang gagamitin sa championship game ng FIBA Basketball World Cup sa Linggo.

Ang disenyo ng bola ay kapareho ng kasalukuyang ginagamit ngayon sa World Cup, ang kaibahan nga lamang, ang FIBA World Cup ball ay partikular na idinisenyo para sa okasyon.

Screen grab from FIBA Media YouTube

Hindi tulad ng regular na bola, ang Naismith trophy ay naka-embed sa bola pati na ang petsa ng final na September 10 at maging ang serial number.

Pure gold plated ang championship ball.

Screen grab from FIBA Media YouTube

At hindi gaya ng non-final ball, ang special edition ball ay ginawang available sa publiko, ngunit 1,200 piraso lamang ang puwedeng mabili.

Maaaring ma-avail ng Pinoy fans ang nasabing bola sa website ng Molten Philippines sa www.molten.com.ph

PNA

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *