Boracay pasok sa Top 10 islands sa Asya

Ikinatuwa ng Department of Tourism o DOT ang pagkakapasok ng isla ng Boracay sa talaan ng Top 10 islands sa Asya ng Travel Plus Leisure magazine ngayong taon.

Ito ay sa kabila ng on-going rehabilitation sa isla.

Nakuha ng Boracay ang ika-walong puwesto at may iskor na 86.14.

Ipinaabot ng DOT ang kanilang pagbati sa pamamagitan ng social media.

Samantala, pasok din sa Top 10 islands sa Asya ang Palawan na nasa ika-limang puwesto habang nasa ika-anim naman ang Cebu.

Nanguna naman bilang World’s Best island ang Java na sinundan ng Bali at Lombok na matatagpuan lahat sa Indonesia.

 

================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *