Botong No sa paghati sa Palawan lumamang sa partial unofficial canvassing report

Lamang ang bumoto ng No o Hindi pabor sa paghati sa lalawigan ng Palawan sa tatlo.

Batay na rin ito sa pinakahuling resulta ng ginagawang canvassing ng provincial board of canvasser kaugnay sa Palawan Plebiscite mula sa municipal canvass report mula sa 8 munisipalidad sa probinsya.

Sa pinakahuling resulta ng bilangan, 75,075 ang bumoto ng No habang 68 198 naman ang bumoto ng Yes o pabor sa paghati sa Palawan sa tatlo o ang Palawan del Norte, del Sur at Oriental.

Pero ang resulta na ito ay partial unofficial pa, dahil may 15 municipal canvass report pa ang hinihintay.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, sa ngayon ay pansamantalang naka suspinde ang canvassing at ipagpapatuloy ito mamayang 5pm sa oras na dumating na ang iba pang canvass report.

Madz Moratillo

Please follow and like us: