Boundary ng Mahaplag-Sogod road sa Southern Leyte, passable na

Passable na sa lahat ng klase ng sasakyan ang boundary ng Mahaplag-Sogod Road, makaraan ang isinagawang clearing operations ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways Southern Leyte District Engineering Office, pati ang pag-aalis sa mga debris at pagputol ng mga natumbang puno.

Sanhi ito ng landslide na nangyari sa Daang Maharlika sa may Brgy. Pancho Villa, Sogod, Southern Leyte kahapon bandang mga alas 3 ng hapon, na dulot naman ng tuloy-tuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ayon sa nasabing ahensiya, kaagad silang nagpadala ng mga maintenance crew, dump truck at heavy equipments upang kaagad-agad na makapagsagawa ng clearing operations sa nasabing area.

Bandang alas-7:00 kagabi nang matapos ang kanilang paglilinis sa nasabing area.

Rose Marie Metran

Please follow and like us: