Branch 19 ng Malolos, Bulacan RTC pisikal na sarado hanggang December 22

Pisikal na sarado ang branch 19 ng Malolos, Bulacan Regional Trial Court hanggang December 22.

Ayon sa isang memo mula sa kay Executive Judge Olivia Escubio-Samar, bunsod ito ng napaulat na isang miembro ng branch staff ang nagpositibo sa COVID-19 noong Dec. 8.

Ang nabanggit na staff ay napaulat na huling pumasok noong Dec. 4.

Batay sa memo, ang presiding judge ng branch at iba pang miembro ng kaniyang staff ay dapat na manatili sa bahay at sumailalim sa swab testing.

Magpapatuloy naman ang mga transaksyon sa pamamagitan ng official hotline numbers at email account.

Nakasaad pa sa memo na kung sakaling may mga kasong nakatakda nang dinggin sa panahon ng quarantine period, maaaring magsagawa ng video conferencing kapag inaprubahan ng Office of the Court Administrator.

Ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay umabot na sa 445,540 matapos i-report ng Department of Health ang higit 1,000 dagdag pang mga kaso.

Liza Flores

Please follow and like us: