Bruno Mars paiingayin ang Philippine Arena sa June 24

Nakatakdang magtanghal sa Philippine Arena sa June 24 ang pop icon na si Bruno Mars.

Kinumpirma ng organizers ang pagdaraos ng nasabing concert sa world’s largest indoor arena.

Itinakda ang pre-sale ng tickets sa April 27 habang ang General sale naman ay sa April 28.

Ito ang magiging ika-4 na concert ni Bruno Mars sa bansa.

2014 nang unang magtanghal ang pop singer bilang bahagi ng Moonshine Jungle Tour at dalawang beses naman noong 2018 bilang parte ng 24K Magic World Tour.

Nakilala si Bruno Mars sa mga kantang 24K Magic, Just the Way You Are, When I Was Your Man, Talking to the Moon, Uptown Funk, at maraming iba pa.

Patuloy namang namamayagpag ang Philippine Arena bilang venue ng major concert ng malalaking pangalan sa entertainment at music industry na kinabibilangan ng Korean groups na BlackPink, Seventeen, at ang British singer na si Harry Styles.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *