BTS bigo sa Grammy

Jungkook, V, Jimin, Jin, RM, J-Hope and Suga of BTS perform onstage during the 64th Annual GRAMMY Awards at MGM Grand Garden Arena on April 03, 2022 in Las Vegas, Nevada.AFP/Getty Images for The Recording Academy/Rich Fury

Muli na namang na-snub sa Grammy ang K-pop supergroup na BTS, makaraang mabigo na maiuwi ang award para sa Best Pop Duo/Group Performance, para sa kanilang hit song na “Butter.”

Ang BTS ay muling nakapasok ngayong taon sa pinaka prestihiyosong music awards ceremony sa buong mundo, sa pamamagitan ng kanilang single Grammy nomination para sa Best Pop Duo/Group Performance, na napanalunan ng Doja Cat at SZA para sa “Kiss Me More.”

Bukod sa “Butter” ng BTS, ang iba pang nominee sa kategorya ay kinabibilangan ng “Lonely” ni Justin Bieber at Benny Blanco, “Higher Power” ng Coldplay, at “I Get a Kick Out of You” ni Tony Bennett at Lady Gaga.

Dahil sa pagkabigo ng BTS na manalo, sinimulan ng ARMY o Adorable Representative M.C. for Youth na kilala rin bilang die-hard fans ng BTS, ang trending ng #scammys sa Twitter nitong Linggo, April 3, Las Vegas time.

Maliwanag na nagulumihanan ang mga tagahanga ng BTS, dahil noong nakaraang taon ay nabigo rin ang mega hit na kanta ng grupo na “Dynamite” na manalo sa kategoryang Best Pop Duo/Group Performance.

Ang “Dynamite” ay isa sa pinakamabenta, pinakana-download na mga single noong nakaraang taon, at kahanga-hangang namalagi ng 32 magkakasunod na linggo sa Billboard Top 100.

Please follow and like us: