Bulacan, Cavite at Rizal , isasailalim na rin sa Alert level 3 dahil sa pagdami ng kaso ng COVID- 19 – Malakanyang

Ilalagay narin sa alert level 3 ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite at Rizal dahil sa mabilis na pagdami ng naitatalang kaso ng COVID-19 na posibleng dulot ng Omicron variant.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na pinagtibay ng Inter Agency Task Force o IATF ang rekomendasyon ng Sub-Technical Working Group ng Data Analytics ng Department of Health o DOH na isailalim na sa alert level 3 ang Bulacan, Cavite at Rizal upang maagapan ang paglaganap pa ng COVID-19.

Ayon kay Nograles epektibo sa January 5 hanggang January 15 ang pag-iral ng alert level 3 sa Bulacan, Cavite at Rizal.

Nauna ng inilagay sa alert level 3 ang National Capital Region o NCR mula January 3 hanggang January 15.

Vic Somintac

Please follow and like us: