Bureau of Immigration,handa na sakaling buksan na ang Pilipinas sa foreign tourists

Tiniyak ng Bureau of Immigration ang kahandaan sakaling buksan na ang bansa para sa mga dayuhang turista.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, makakaasa ng magandang serbisyo ang mga ito sa pagdating sa mga paliparan sa bansa.

Sakaling maging normal na ang international travel, sinabi ni Morente na dadagdagan nila ang kanilang manpower sa mga paliparan.

Una rito iniulat ng BI ang 72% na pagbaba ng international arrivals sa unang 3rd quarters ng 2021 kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon.

Madz Moratillo

Please follow and like us: