Bus company na biyaheng Makati, Laguna, at Quezon, inoobliga na ang mga pasahero nito na magprisinta ng vaxx card

Simula ngayong Martes, Enero 4 ay obligado na ang mga pasahero ng JAC Liner bus na magprisinta ng COVID-19 vaccination card bago sumakay.

Sa Facebook page ng bus company, sinabi na layunin nito na mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at publiko.

Courtesy: JAC Liner Facebook

Bago makasakay ay kinakailangan na ipakita ng pasahero sa konduktor ang kanilang vaccination card na may ID picture o kung wala ay iprisinta ang anumang ID para ito ay ma-validate.

Ang JAC Liner ay may biyaheng papunta at pabalik ng Biñan City, Laguna- Ayala Makati, Lucena, Quezon- Biñan, Laguna, at PITX- Sta Cruz, Laguna.

Moira Encina

Please follow and like us: