Calayan, Cagayan, niyanig ng magnitude 3.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan.

Naitala ang pagyanig 38 kilometrong Timugan ng Calayan kaninang ala-1:10 ng madaling-araw.

May lalim na 25 kilometro ang lindol at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang nasabing pagyanig.

 

===========

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *