Castillejos, Zambales, niyanig ng 5.7 magnitude na lindol…pagyanig naramdaman sa mga kalapit lalawigan kabilang ang Metro Manila

Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Zambales kaninang alas-5:11 ng hapon.

Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol 2 kilometro sa Hilagang-Silangan ng bayan ng Castillejos.

At ang lalim ay nasa 21 kilometro.

Naramdaman rin ang lindol sa mga kalapit na lalawigan kabilang na ang Metro Manila.

Pero ayon sa Phivolcs, hindi pa ito major earthquake.

Patuloy pa ang assessment ng mga otoridad sa naging pinsala ng pagyanig.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *