Cavite City Vice Mayor Denver Chua, kakandidato bilang Mayor ng lungsod

Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura si Cavite City Vice Mayor Denver Chua sa tanggapan ng COMELEC, kaninang alas-9:00 ng umaga, ngunit sa pagkakataong ito ay bilang Mayor na ng nasabing lungsod.

Kasama nitong naghain ng kani-kaniyang kandidatura ang kanyang magiging Vice Mayor na si City Councilor Raleigh Rusit at mga magiging konsehales nito.

Si Chua ang kasalukuyang bise alkalde ng Mayor ng Cavite City na si Bernardo Paredes.

Magkasama silang tumakbo sa ilalim ng iisang partido sa nakaraang local election.

Inaasahan naman na patatakbuhin ni Paredes sa pagka-alkalde ang kanyang anak na si Apple Paredes, na kasalukuyang ABC President ng lungsod.

Binanggit ni Chua kung paano niya tutugunan sa Cavite City ang pandemyang nagpapahirap sa buong mundo.

Samantala, dumating sa COMELEC office si Cavite Vice Governor Jolo Revilla na tatakbo naman sa pagka kongresista ng unang distrito ng Cavite, upang suportahan ang kandidatura ni Chua.

Ronald Marina

Please follow and like us: