CHED Chairperson Patricia Licuanan, nagbitiw na sa puwesto

Nagbitiw na sa puwesto si Commission on Higher Education o CHED Chairperson Patricia Licuanan.

Inanunsyo ni Licuanan ang pagbibitiw sa puwesto sa flag ceremony  kaninang umaga sa tanggapan ng CHED sa Quezon City.

Ayon kay Licuanan, nakatanggap siya ng tawag mula sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea kaya nagpasya aniya siyang mag-resign.

Hindi naman idinetalye ni Licuanan kung ano napag-usapan sa nasabing tawag.

Sa katapusan pa sana ng Hulyo ngayong taon matatapos ang termino ni Licuanan.

Samantala, itinanggi naman ni Licuanan sa harap ng mga CHED employees ang mga akusasyon ng korapsyon laban sa kaniya.

Paliwanag niya, lahat ng kaniyang biyahe sa labas ng bansa ay aprubado ng Malakanyang.

Aniya, walo ang kaniyang naging biyahe abroad noong 2017 at lima sa mga ito ang gastos ng pamahalaan.

 

 

====  end  ====

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *