CHED, magpapatupad ng moratorium sa mga field trip

ched

Pansamantalang magpapatupad ng Moratorium ang Commission on Higher Education o CHED sa mga field trip at educational tours sa lahat na mga pribado at pampublikong kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Sinabi ni CHED Commissioner Prospero de Vera, dapat munang makompleto ang imbestigasyon sa trahedya sa Tanay na ikinasawi ng 15 estudyante at staff ng Bestlink College of the Philippines sa Novaliches, Quezon City.

Rerepasuhin din ng CHED ang mga ipinapatupad na polisiya kaugnay sa field trips ng mga kolehiyo at unibersidad.

Ayon kay de Vera, bagaman bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman ang field trips, pangunahing prayoridad pa rinng mga paaralan ang kaligtasan ng mga estudyante.

 

Please follow and like us: