Chief Justice Maria Lourdes Sereno, nagtalumpati sa pagtitipon ng mga clerk of courts

Isang araw bago ang kanyang indefinite leave, dumalo at nagtalumpati si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagtitipon ng mga clerk of court.

Sa kanyang talumpati sa 25th national convention ng Regional Trial Court Clerks of Court Association of the Philippines na isinagawa sa Manila Hotel, iginiit ni Sereno na ang kanyang bakasyon ay para sa paghahanda sa kanyang impeachment trial sa senado.

Kailangan anyang maghanda para labanan ng patas ang mga alegasyon laban sa kanya hindi lamang para sa sarili nito kundi sa buong hudikatura.

Tiniyak ni Sereno na kahit siya ay naka-leave ay patuloy na gagampanan ng hudikatura na itaguyod ang rule of law.

Ang national convention ng mga clerk of court ang huling public engagement ni Sereno bago siya mag-indefinite leave simula March 1.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *