Chinese government binigyan na ng GO Signal si Pangulong Duterte para tugisin ang mga Chinese National na sindikato ng ilegal na droga

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbigay na ng go signal ang Chinese government para matugis ng mga otoridad ang mga chinese nationals na sangkot sa sindikato ng ilegal na droga sa bansa.

Sinabi ng Pangulo alam ng chinese government na ang target ng pamahalaang Pilipinas ay mga chinese nationals na miyembro ng sindikato ng droga at hindi ang mismong China.

Ayon sa Pangulo nakuha niya ang go aignal ng chinese government kaugnay ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilwgal na droga dahil sa magandang relasyon ngayon ng Pilipinas at China.

Ang patuloy na giyera ng pamahalaan laban sa ilegal na droga ay nasa kamay na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA matapos alisin ng Pangulo sa kamay ng Philippine National Police o PNP.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *