CHR Chairman Chito Gascon tinawag namakapal ang mukha ni Speaker Alvarez

Tinawag na makapal ang mukha ni House Speaker Pantaleon Alvarez si CHR Chairman Chito Gascon dahil sa pagtangging magresign kasunod ng desisyon na mabigyan ito ng isang libong pisong budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Alvarez, nagpupumilit at kapit tuko sa pwesto si Gascon gayong hindi naman nito nagagawa ng maayos ang kaniyang trabaho.

Igiinit ni Alvarez na malinaw na hindi naiintindihan ni Gascon ang kaniyang trabaho at mga responsibilidad batay sa mandato at probisyon ng saligang batas.

Tinukoy ni Alvarez ang aniya’y pagkiling ng CHR sa ilang kaso samantalang ang mandato nito ay protektahan ang karapatang pantao ng lahat ng mamamayan.

Tiniyak naman ni Alvarez na hindi magbabangaan ang Kamara at Senado oras na isalang sa bicameral conference committee ang budget ng CHR.

Nauna nang sinabi ng mga Senador na ibabalik ang tinapyas na budget ng CHR na aabot sa 678 million pesos.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *