Claimant ng smuggled na gagamba,arestado ng BOC

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang claimant ng mga gagamba na iligal na ipinuslit sa bansa.

Ayon sa BOC ang hindi pinangalanang claimant ay naaresto ng mga tauhan ng BOC-NAIA Enforcement and Security Service Environmental Protection Compliance Division.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Nai-turn over narin ito sa Pulisya para sa inquest proceedings.

Una rito, nasabat ng BOC Port of NAIA ang 10 piraso ng buhay na gagamba mula sa isang package na dumating sa bansa mula sa Poland.

Ang shipment idineklara na mga origami pero ng isalang sa eksaminasyon ay nakita na mga gagamba pala ang laman.

Nagkakahalaga naman ito mg 75 libong piso.

Itinurn over naman na ang mga gagamba sa Department of Environment and Natural Resources Wildlife Traffic Monitoring Unit.

Madz Moratillo

Please follow and like us: