Combat operations sa Marawi City, tapos na

Tuluyan nang natapos ang bakbakan sa Marawi City.

Ito ang inanunsyo ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, eksaktong limang buwan mula nang magsimula ang giyera.

Dahil dito, hawak na ng pamahalaan ang Marawi, at napatay na ang lahat ng mga natitira pang teroristang Maute at Abu Sayyaf.

Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr. ng Task Force Ranao, nagresulta ang limang buwang bakbakan sa pagkakapatay ng 920 na miyembro ng teroristang grupo.

Samantala, aabot naman sa 165 na pulis at sundalo ang nalagas sa panig ng gobyerno.

Sa kabuuan, aabot naman sa 1,780 ang bilang ng mga hostage na na-rescue ng pamahalaan, at 864 na armas rin ang nakuha ng militar.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *