Comeback single ni Adele, nagtrending sa buong mundo

Photo: Adele official website

Mahal pa rin ng publiko ang British soul diva na si Adele, matapos magtrending worldwide ang comeback single niya na “Easy on Me.”

Sa kasalukuyan ay pumalo na sa 46 million views ang Easy on Me sa YouTube, isang araw lamang matapos itong mai-upload.

Kahit ilang taong nawala sa limelight, ay hindi nawala ang power sa tinig niya.

Ang bagong album naman ni Adele na pinamagatang “30” ay nakatakdang isapubliko sa November 19.

Inaasahan namang hahataw sa sales ang album ng Oscar-winning 15-time Grammy winner.

Nito lamang nakaraang linggo ay inilabas ng Vogue ang ekslusibo nilang panayam kay Adele, kung saan ibinahagi niya ang paglaban sa naranasan niyang anxiety.

Sa kaniyang twitter post, sinabi ni Adele . . . “I’ve learned a lot of blistering home truths about myself along the way. I’ve shed many layers but also wrapped myself in new ones. I’ve finally found my feeling again. I’d go as far as to say that I’ve never felt more peaceful in my life.”

Please follow and like us: