Comelec binawi ang naunang ruling laban sa disqualification petition kay Cagayan Governor Mamba

Si Cagayan Governor Manuel Mamba pa rin ang gobernador ng lalawigan.

Ito ay matapos na baliktarin ng Comelec en banc ang disqualification petition laban kay Mamba.

Ayon sa poll body, wala na kasi sa hurisdiksyon nila ang kaso dahil naiproklama na si Mamba ng matanggap ng poll body ang petisyon.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mamba sa desisyon ng Comelec en ban.

Para sa gobernador, pagpapakita lang itong nangibabaw ang hustisya.

Isa rin aniya itong tagumpay para sa 302,025 Cagayanos na bumoto at nagtiwala sa kanya.

Binigyang diin rin ni Mamba na hindi siya bumili ng boto at pinagsikapan nyang makapagsilbi ng mabuti sa kanilang probinsya.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *