Comelec Chair. Bautista, nagsampa na ng kaso laban sa asawang si Paz

Sinampahan na ng reklamo sa Korte ni Comelec Chairman Andy Bautista ang kanyang asawang si Patricia.

Ayon kay Bautista, kasama niya ang kanyang pamilya nang inihain ang mga kasong grave coercion, qualified theft, robbery at extortion laban kay Ginang Patricia.

Hindi naman sinabi ni Bautista kung saang Korte niya inihain ang mga nasabing kaso.

Kasabay nito, iginiit ni Bautista na dapat ay sa korte na pag-usapan ang alegasyong ipinupukol sa kanya at hindi na dapat ipinakita sa media ng kanyang asawa ang mga nakuha nitong dokumento.

Una nang sinabi ni Bautista na ninakawan siya ng kanyang asawa sa sarili nilang tahanan at dinoktor ang mga kinuhang mahahalagang dokumento para gamitin laban sa kanya.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *