COMELEC Chairman Andres Bautista, handang magbitiw sa pwesto

Handa na magbitiw sa pwesto si COMELEC Chairman Andres Bautista sa harap ng akusasyon ng kanyang asawa na mayroon siyang hindi maipaliwanag na yaman.

Ayon kay Bautista, inihayag niya mismo kay Pangulong Duterte sa pakikipagpulong nito sa kanya sa Malacañang noong Agosto a-uno na hindi sya kapit-tuko sa posisyon.

Kasama ni Bautista na humarap sa Pangulo ang kanyang mga biyenan at kapatid.

Nakipagpulong din sa kaparehong araw sa Presidente ang misis ng COMELEC Chair na si Patricia Paz Bautista kung saan isiniwalat ang nadiskubre niyang kwestyonableng yaman ng asawa na hindi idineklara sa SALN nito.

Iginiit pa ni Bautista na nagpagamit ang kanyang asawa sa ilang grupo para magamit sa pulitika at mabahiran ng pagdududa ang pambansang eleksyon noong 2016.

Sasagutin niya ang mga alegasyon sa kanya ng asawa sa tamang forum.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *