Comelec – Manila magkakaroon na rin ng satellite registration

Maglulunsad na rin ang satellite registration ang Commission on Elections -Manila para sa nagpapatuloy na voter registration sa lungsod.

Ayon kay Atty. Gregorio Bonifacio, election officer ng Comelec Manila, nakikipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng mga mall sa Maynila para humingi ng permiso na makapagsagawa ng voter registration roon.

May ilan na aniya ang pumayag na at hinihintay nalang nila ang sagot ng iba pa.

Kapag naisakatuparan ito, mas magiging convenient na aniya sa ating mga kababayan ang pagpaparehistro taliwas sa sitwasyon sa kanilang tanggapan sa Aroceros na napakainit at limitado ang nakakapasok.

Sa ikalawang araw ng voter registration, dinagsa parin ang Comelec Manila at sa dami ng taong nagpunta napilitan silang magpatupad ng mas maagang cut off sa ilang distrito.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: