Comelec nagtalaga na ng bagong Spokesperson

Nagtalaga na ng bagong tagapagsalita ang Commission on Elections kapalit ng inalis na si James Jimenez.

Sa isang memorandum na pirmado ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan nakasaad na si Atty. John Rex Laudiangco na ang magsisilbing Acting Spokesperson ng poll body.

Si Laudiangco ay kasalukuyang Director III sa Law Department ng Comelec.

Una ng inirekomenda ni Commissioner Rey Bulay ang pag alis kay Jimenez sa lahat ng media related functions nito kasunod ng nangyaring aberya sa Pilipinas Debate ng Comelec.

Ang kinuha kasi nilang partner na Impact Hub Manila hindi nakabayad at tumalbog pa ang mga inisyung tseke sa Sofitel Hotel.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: