Comelec, sisirain na ang mga hindi nagamit na Election Paraphernalia sa Lanao del Sur

Sisirain na ng Commission on Elections ang mga hindi nagamit na official ballot at iba pang ginamit sa special elections sa Lanao del Sur noong Mayo.

Ayon sa Comelec, ang pagsira sa mga nasabing election paraphernalia ay gagawin bukas Hulyo 12 sa ganap na alas 10 ng umaga.

Ang aktibidad na gagawin sa gusali ng Comelec sa Intramuros Maynila ay sasaksihan ng mga kinatawan ng political parties, accredited citizens arm groups at iba pang stake holders.

Matatandaang noong May 9 elections ay idineklara ang failure of elections sa ilang presinto sa ilang barangay sa Bayan ng Tubaran sa Lanao del Sur.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: