Commercial building sa Scout Tuazon corner Scout Rallos Barangay Laging handa Quezon city nasunog

Agad na naapula ng mga kagawad ng Quezon city Bureau of Fire Protection ang sunog na sumiklab sa isang commercial building na matatagpuan sa Scout Tuazon Corner Scout Rallos Barangay Laging handa lungsod ng Quezon.

Sinabi ni Fire Senior Supt. Garry Alto District Director ng Quezon city BFP 9:55 ng umaga ng matanggap nila ang tawag na nasusunog ang second floor ng 8 story Alpha Base Development Corporation Building.

Ayon kay Alto agad na rumesponde ang mga kagawad Quezon city Bureau of Fire Protection kasama ang mga fire volounteer brigade at umabot lamang sa first alarm ang sunog at 12:04 ng hapon ng idineklarang fire out ang gusali.

Inihayag ni Alto na nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag na kinaroroonan ng opisina ng Momentum Construction Corporation.

Agad namang narescue ang 49 kataong na trap na nasa loob ng building kasama ang mga empleyado ng Momentum Construction Corporation.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Arson division ng Quezon city Bureau of Fire Protection tinatayang nasa apat na milyong piso ang damage sa nangyaring sunog.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *