Community Outreach Program inilunsad ng PNP sa Davao city

Naglunsad ng isang Community outreach program ang PNP sa Calinan, Davao city para sa mga remote areas ng Brgy Sirib,Cawayan at Cadalian.

Ang mga pulis ay kabilag sa Revitalized Police sa Brgy o RPSB 11 cluster 5.

Layon ng nasabing programa na mabahaginan ng tulong ang mga residente sa nasabing mga Barangay na hindi gaanong naaabot ng ayuda ng pamahalaan dahil sa kakulangan ng komunikasyon at transportasyon.

Bahagi din ito ng programa ng National Government sa ilalim ng Executive Order # 70 na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC upang malabanan ang insurgency dahil na rin sa presensya ng Communist Party of The Phils New People’s Army o CPP-NPA sa mga nasabing Barangay.

Umabot sa 89 mga tahanan ang nakabahagi sa mga ayuda na food packs at mga goody bags partikular para sa mga bata mula sa tribong Ubu-Manovo.

Noreen Ygonia, EBC Correspondent

Please follow and like us: