Community pantry inilunsad ng mga awtoridad sa Camiling Tarlac

Naglunsad ng community pantry ang 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa barangay Malacampa sa Camiling, Tarlac

Ito ay itinayo sa mismong harapan ng 2nd PMFC headquarters sa barangay Malacampa.

Ang pagtatatag sa community pantry ay pinangunahan ni Lt. Col. Rudy Verdadero, Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni Lt. Col. Eulogio Lamqui na siyang force commander ng PMFC.

Samantala, naging matagumpay ang paghahatid ng serbisyo sa mga residente ng Gerona, Tarlac sa pamamagitan ng inilunsad nilang community pantry, na inilagay sa harap ng Gerona police station.

Pinangunahan ito ni Lt. Col. Niel Reiner Mercado, kung saan pinasalamatan nito ang mga nag-donate ng bigas, gulay, de lata at iba pang mga pangunahing kailangan ng mga residente sa lugar.

Ulat ni Rizza Castro

Please follow and like us: