Concert ng Westlife, sa Lunes na!

Singers of the boyband Westlife pose on the red carpet as they arrive at the Golden Camera (Goldene Kamera) awards ceremony in Berlin on March 30, 2019. – The award of the Media Group Funke honours outstanding achievements in television, film and entertainment. (Photo by John MACDOUGALL / AFP)

Handang-handa nang mag-perform ang Irish pop sensation na Westlife, sa pinakaaabangan nilang konsierto sa Maynila na gaganapin sa Pebrero 20 at 21, habang sabik na sabik na rin ang kanilang mga tagahanga na saksihan ang kanilang performance.

Ang concert, na gaganapin sa Araneta Coliseum, ay bahagi ng worldwide tour ng Westlife, kung saan iparirinig nila ang mga awitin mula sa kanilang latest album na “Wild Dreams.”

Excited na ang kanilang fans na marinig sa unang pagkakataon ang ilan sa mga bago nilang awitin, kasabay ng mga classic hits nila gaya ng “Flying Without Wings,” “Uptown Girl,” at “Swear It Again.”

Ang Westlife ay nagbalik din sa Indonesia sa isang sold-out concert na ginanap sa Stadion Madya, Jakarta, noong Pebrero 11, 11, 2023.

Westlife perform during the annual German film and television awards ‘Golden Camera’ (‘Die Goldene Kamera’) of German TV magazine ‘HoerZu’ in Berlin on March 30, 2019. – The award of of the Media Group Funke honours outstanding achievements in television, film and entertainment. (Photo by HANNIBAL HANSCHKE / POOL / AFP)

Kilala ang Westlife sa kanilang kakayahang lumikha ng isang “magical experience” para sa kanilang fans, at ang konsiertong ito ay hindi naiiba. Sa kanilang pagtatanghal ay asahan nang magkakaroon ng “visual feast,” kasama ng nakamamanghang light shows, makapigil-hiningang visuals at special effects na magbibigay sa audience ng pakiramdam na sila ay bahagi ng isang “dreamy world.”

At dahil isang araw na lamang at concert na, kayat ang fans ay hindi mapigilang magbahagi ng kanilang excitement sa social media, kung saan marami ang nag-share ng paborito nilang awitin ng grupo at nagpost ng mga larawan kasama ng Westlide merchandise. May ilan pang fans na gumawa ng countdown calendars para matiyak na hindi nila mami-miss ang espesyal na araw.

Noon pa man ay may espesyal nang puwang ang Westlife sa puso ng kanilang mga tagahangang Pilipino, at ang paparating na konsiyerto na ito ay walang exception. Sa kanilang madamdaming boses, nakaaantig sa pusong mga liriko, at charismatic personalities, ang banda ay handa nang lumikha ng isang hindi malilimutang gabi para sa lahat ng manonood.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *