Confirmed Case ng Covid-19 sa Cavite, tumaas pa

Tumaas pa ang bilang ng mga may kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Cavite.

 
Batay sa tala ng DOH Calabarzon, as of May 10, 2021, nasa 42,968 na ang kabuuang kaso ng virus sa lalawigan. 


34,691 naman sa mga ito ay nakarekober na habang nasa 7,174 ang active cases at 1,103 ang nasawi.

courtesy of DOH Calabarzon


Unti-unti naman nang bumababa ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa region 4a kung saan pumalo na lamang ito sa 23,151, habang nasa 143,398 naman ang mga may confirmed case ng virus. 

Nasa 116,238 ang nakarekober at 4,009 naman ang nasawi sa buong calabarzon.


Namamalagi pa rin ang paalala ng mga opisyal ng Cavite provincial health office, maging ng DOH sa publiko na patuloy pa ring sundin ang mga umiiral na health ptotocol sa bansa para iwas sa hawaan ng Covid 19.

Please follow and like us: