Cong Teves hinamon ng DOJ na sagutin ang mga reklamo sa kaniya

Dapat sagutin na lamang ni suspended Congressman Arnolfo Teves Jr. ang mga reklamo laban sa kaniya.

Ito ang hamon ni Justice Secretary Crispin Remulla kay Teves matapos ang pahayag ng kongresista na uuwi lang ito kapag matiyak na magiging patas ang Department of Justice (DOJ) sa kaniyang kaso.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, patas ang sistema ng hustisya sa bansa.

Ang korte din aniya ang nagpapasya sa mga kaso.

Paliwanag pa ni Remulla ang DOJ bilang prosecutors ay objective pero sila ay nasa panig ng tama at ng mga biktima.

Si Teves ay nahaharap sa mga reklamong murder, frustrated murder at attempted murder kaugnay sa Degamo killing.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *