Construction of Missing Gaps inilunsad sa Claveria Misamis Oriental

Inilunsad sa Claveria, Misamis Oriental ang Construction of Missing Gaps na mag-uugnay sa Malaybalay-Gingoog Road o Gingoog City-Kalhaan, Claveria-Bulunay-Malaybalay City.

Sa pangunguna ng Department of Public Works and Highway (DPWH) Region 10, kasama ang pamahalaang local at panlalawigan, ay sinaksihan ito ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, pulisya at military.

Ang aktibidad ay isinagawa sa Sitio Kalhaan, Barangay Minalwang, Claveria, Misamis Oriental.

Ayon sa mga kinauukulan, pakikinabangan ng publiko ang naturang proyekto dahil magbibigay daan ito sa kaunlaran sa pangkabuhayan ng komunidad sa hinaharap.

Magiging bagong alternate route din ito dahil ang daan na ito ay magdurugtong sa  Agusan del Norte, Misamis Oriental at Bukidnon, para sa mas mabilis na biyahe.

Magiging daan din ito sa lalo pang pag-unlad ng agrikultura at turismo sa nabanggit na lugar.

Ulat ni Laura Pobadora

Please follow and like us: