Big time oil price hike ipinatupad ng mga kumpanya ng langis

Nagpatupad na ang mga kumpaniya ng langis ng big time oil price hike.

Piso at tatlumpung sentimos (₱1.30) ang umento sa kada litro ng diesel; nobenta sentimos (₱0.90) sa kerosene habang apatnapu’t limang sentimos (₱0.45) naman sa gasolina.

Unang nagpatupad ng naturang price adjustment ang kumpaniyang Flying V kaninang hatinggabi.

Sumunod na ang iba pang mga kumpaniya ng langis tulad ng Petron, Shell, Seaoil, Unioil, Phoenix at Eastern Petroleum sa kanilang umento kaninang alas-6:00 ng umaga.

Ayon sa Department of Energy, nasa apat na piso na ang itinaas ng presyo ng gasolina, mahigit tatlong piso sa diesel habang mahigit piso naman sa kerosene sa kada litro.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *