Court operations ng korte sa hapon ng Dec. 29, 2022 at court operations sa Jan. 2, 2023 suspendido

Half-day lang ang pasok ngayong araw, Disyembre 29 ng mga kawani ng mga korte sa buong bansa.

Ito ay matapos ipagutos ng Korte Suprema ang suspensyon ng operasyon sa mga hukuman simula 12:00 ng tanghali ngayong Huwebes bunsod ng holiday season.

Hindi naman sakop ng work suspension ang mga tauhan ng korte na nagpuproseso ng mga piyansa, orders of releases, at iba pang katulad na kautusan, at ang mga may urgent matters.

Kaugnay nito, inanunsiyo rin ng Supreme Court na suspendido ang mga pasok sa korte sa Enero 2, 2023.

Ang nasabing petsa ay una nang idineklarang special non-working holiday ng Malacañang.

Magbabalik ang operasyon ng mga korte sa Enero 3, 2023, Martes.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *