COVID-19 cases na naitala sa bansa bumaba ng 35%

Bumaba ng 35% ang naitalang kaso ng COVID- 19 sa bansa nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng Department of Health mula Enero 16 hanggang 22, nasa 270 lamang ang naitalang average daily cases ng COVID- 19.

Sa kabuuan, 1,891 ang naitalang virus infection sa nakalipas na linggo.

Nakapagtala naman ng 4 na bagong kaso ng severe at kritikal habang may 104 namang nadagdag sa listahan ng nasawi.

Pero sa 104 deaths na ito, 9 lamang ang nasawi ngayong Enero ng 2023, ang iba ay sa ibang buwan ng 2022, 201 at 2020.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.