9,296 nadagdag sa COVID-19 cases, total active case sa bansa 124,680 na

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 9,296 na bagong kaso ng Covid-19 sa bansa.

Dahil rito, umakyat na sa 741,181 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 124,680 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 103 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 603,310 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 5 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 13,191 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: