COVID -19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 432,00

Umabot na sa 432, 925 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, nasa 25,725 lamang ang aktibong kaso.

May 1,298 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Ilocos Norte na may 84 new cases, Manila na may 61 new cases, Quezon na may 55 new cases, Laguna na may 50 new cases, at Negros Occidental na may 47 new cases.

Mayroon namang 135 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 398,782 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 27 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,418 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: