COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 445,000

Umabot na sa 445,540 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 27,781 lamang ang aktibong kaso.

May 1,383 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 83 new cases, Laguna na may 75 new cases, Maynila na may 68 new cases, Bulacan na may 65 new cases at Davao City na may 61 new cases.

Mayroon namang 133 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 409,058 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 24 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,701 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: