COVID-19 cases sa bansa , umakyat na sa mahigit 451,000

Umabot na sa 451, 839 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 24,160 lamang ang aktibong kaso.

May 1,135 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Rizal na may 117 new cases, Bulacan na may 84 new cases, Quezon City na may 71 new cases, Isabela na may 39 new cases at Laguna na may 38 new cases.

Mayroon namang 173 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 418,867 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 56 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,812 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: