COVID-19 cases sa bansa , umakyat na sa mahigit 454,000

Umabot na sa 454, 447 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 25,695 lamang ang aktibong kaso.

May 1,470 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 74 new cases, Rizal na may 64 new cases, Makati na may 58 new cases, Davao City na may 55 new cases at Quezon na may 46 new cases.

Mayroon namang 633 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 419,902 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 17 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,850 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: