COVID-19 cases sa bansa , umakyat na sa mahigit 469,000

Umabot na sa 469,886 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 22,099 lamang ang aktibong kaso.

May 883 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Rizal na may 66 new cases, Quezon City na may 50 new cases, Benguet na may 47 new cases, Davao City na may 42 new cases, at Maynila na may 35 new cases.

Mayroon namang 7,635 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 438,678 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 42 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,109 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: