Covid-19 infection sa hanay ng mga OFW, bumababa na – DOLE

Bumababa na rin ang kaso ng Covid -19 infection sa mga Overseas Filipino Workers.

Batay sa report ng Philippine Overseas Labor Office kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sa Japan may 163 bagong kaso na lang ng Covid-19 infection sa hanay ng mga OFW ang naitala.

Habang sa Dubai naman, may naitala na lang na 72 new cases, at 24 sa Kuwait.

Pero sa Israel na muling nakararanas ng pagdami ng mga kaso ng Covid-19, mataas din ang new cases sa hanay ng mga OFW na nasa 709.

Tiniyak naman ng DOLE ang mahigpit na monitoring sa lagay ng mga OFW lalo na ang mga tinatamaan ng virus.

Batay sa datos ng DOLE, umabot na sa 776,186 OFW ang natulungang mapauwi ng gobyerno mula ng magsimula ang Covid-19 Pandemic.

Madz Moratillo

Please follow and like us: