Covid-19 positivity rate sa NCR, tumaas sa 4.5% – OCTA

Muling tumaas ang 7-day positivity rate ng Covid-19 sa Metro Manila.

Sinabi ni Dr. Guido David, OCTA Research Fellow, na mula sa 3.3% noong
March 26, umakyat na ngayon ang bilang ng mga nagpo-positibo sa Covid-19 sa
4.5% hanggang noong April 2.

Paliwanag ni David, tumaas din ang reproduction number ng virus sa 1.56% noong March 31 mula sa dating 1.33% noong March 24.

Gayunman, nananatili pa rin aniyang mababa sa 20.5% ang hospital bed
occupancy sa bansa.

Ang kasalukuyang 7-day positivity rate sa Metro Manila ay mas mababa pa rin sa
5% threshold ng World Health Organization (WHO).

Ayon sa Department of Health, ang nationwide positivity rate ay nasa 4.7%.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *