Covid-19 Recovery cases sa hanay ng PNP naragdagan pa ng 168

Patuloy na nadaragdagan ang mga nakakarekober ng pulis mula sa Covid-19.

Sa datos ng PNP Health service ngayong June 20, 2021, nakapagtala ng bagong 168 recoveries ang kanilang hanay kaya sumampa na sa 24,815 ang kabuuang mga gumaling sa karamdaman.

Gayunman, may naitala rin ang PNP ng panibagong 89 na kaso ng virus infection kaya pumalo na sa 26,729 ang kabuuang kaso.

Wala namang naitalang bagong pumanaw kaya nanatili sa 71 ang death toll.

Please follow and like us: